Ang mga Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz | ||
Jose F. Lacaba Isang gabing madilim puno ng pangambang sumakay sa bus si Juan de la Cruz pusturang pustura kahit walang laman ang bulsa BAWAL MANIGARILYO BOSS sabi ng konduktora at minura si Juan de la Cruz. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa nilakad ni Juan de la Cruz ang buong Avenida BAWAL PUMARADA sabi ng kalsada BAWAL UMIHI DITO sabi ng bakod kaya napagod si Juan de la Cruz. Nang abutan ng gutom si Juan de la Cruz tumapat sa Ma Mon Luk inamoy ang mami siopao lumpia pansit hanggang sa mabusog. Nagdaan sa Sine Dalisay Tinitigan ang retrato ni Chichay PASSES NOT HONORED TODAY tabi ng takilyera tawa nang tawa. Dumalaw sa Konggreso si Juan de la Cruz MAG-INGAT SA ASO sabi ng diputado Nagtuloy sa Malakanyang wala namang dalang kamanyang KEEP OFF THE GRASS sabi ng hardinero sabi ng sundalo kay Juan de la Cruz. Nang dapuan ng libog si Juan de la Cruz namasyal sa Culiculi at nahulog sa pusali parang espadang bali-bali YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH sabi ng bugaw sabay higop ng sabaw. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa naglibot sa Dewey si Juan de la Cruz PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY sabi ng neon. Humikab ang dagat na parang leon masarap sanang tumalon pero BAWAL MAGTAPON NG BASURA sabi ng alon. Nagbalik sa Quiapo si Juan de la Cruz at medyo kinakabahan pumasok sa simbahan IN GOD WE TRUST sabi ng obispo ALL OTHERS PAY CASH. Nang wala nang malunok si Juan de la Cruz dala-dala'y gulok gula-gulanit na ang damit wala pa rin laman ang bulsa umakyat Sa Arayat ang namayat na si Juan de la Cruz WANTED DEAD OR ALIVE sabi ng PC at sinisi ang walanghiyang kabataan kung bakit sinulsulan ang isang tahimik na mamamayan na tulad ni Juan de la Cruz |
Wednesday, February 16, 2011
ang kagilagilalas na pakikipagsapalaran ni juan dela cruz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment